LIVE: 24th Bambino Grand Parade: Bambino de Pasig, Daan ng Pagkakaisa ng Pasigueño sa Kaunlaran sa Tulong at Sigasig ng Pamahalaan

January 19, 2025

Muling magsasama-sama ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig, mga barangay, mga simbahan, at mga debotong Pasigueño para sa ika-24 Bambino Grand Parade, ngayong araw ng Linggo, January 19, 2025.
Sakay ng mga karosang siksik sa palamuti, ang mga imahen ng Mahal na Señor Sto. Niño ay ipaparada simula E. Caruncho Ave. hanggang Immaculate Conception Cathedral ng Pasig, kung saan babasbasan ng Holy Water ang mga imahen, pati na ang mga kalahok sa parada.
Makisaya sa makabuluhang selebrasyong ito habang nakatutok sa livestream ng official Facebook Page ng Pasig City Public Information Office.
Viva Pit Señor!

---
Balikan ang buong video sa link na ito:
https://www.facebook.com/PasigPIO/videos/449766511406126