LINKS | SPES OSY 2025 Application

January 22, 2025

SPECIAL PROGRAM FOR EMPLOYMENT OF STUDENTS PARA SA MGA OUT-OF-SCHOOL YOUTH

LINKS TO THE ONLINE APPLICATION FORM: 

DISTRICT 1: https://bit.ly/DISTRICT1_SPESOSY_January2025 

DISTRICT 2: https://bit.ly/DISTRICT2_SPESOSY_January2025 

MGA PAALALA:

Ang online application form ay bukas ngayong araw, January 22, 2025, simula 01:00PM. Kung nakita ninyo ang mensaheng ito: “This form is no longer accepting responses.”, ibig sabihin ay sarado na ang aplikasyon para sa batch ng SPES OSY na ito.

Para sa mga interesadong mag-apply, i-check maigi ang CONTACT DETAILS, EMAIL ADDRESS, at SOFT COPY ng REQUIREMENTS na ia-upload sa online application form. 

Tandaan po na magkaiba ang link na dapat sagutan ng mga aplikante mula sa mga barangay ng DISTRICT 1 at DISTRICT 2. Kaya naman para sa mga nais mag-apply sa SPES OSY, mangyari lamang na siguraduhing tama ang link na inyong sasagutan. 

Ang unang 800 na aplikante sa pinagsamang bilang ng aplikasyon mula sa District 1 at District 2 lang muna ang ia-assess ng Pasig City Public Employment Service Office (PESO). Para mapunan ang 800 slots, first 350 qualified applicants para sa DISTRICT 1 at first 450 qualified applicants naman para sa DISTRICT 2 ang tatanggapin ng PESO. Kung sakaling may hindi makakapasa sa unang 800, saka pa lamang ia-assess ang ika-351 pataas (para sa District 1) at ika-451 pataas (para sa District 2) hanggang mabuo ang 800 slots na kinakailangan para sa SPES OSY. 

Tanging ang mga nakapasa lamang sa initial assessment ang kokontakin ng PESO at ire-require na magpasa ng hard copy ng kanilang requirements. 

KARAGDAGANG PAALALA: 

Batay sa assessment ng PESO, narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit hindi nakakapasa sa assessment ang isang aplikante ng SPES OSY kahit na siya ay pasok sa bilang ng aplikante na kinakailangang mapunan:

1. Hindi pasok sa qualifications: dahil sa edad; kasalukuyang naka-enroll; lagpas sa poverty threshold na PHP 197,868.00 ang kabuuang kita ng pamilya sa isang taon; 

2. Kulang ang requirements na ipinasa sa online application form; 

3. Naka-graduate ng 4-year course sa kolehiyo; at 

4. Nakapag-SPES OSY na dati at hindi bumalik sa pag-aaral pagkatapos nilang magtrabaho bilang SPES.