LIBRENG SAKAY ADVISORY | Kaugnay ng scheduled 3-day Transport Strike simula August 14-16, 2024
August 13, 2024
LIBRENG SAKAY ADVISORY
Inaasahan na hindi gaanoong maaapektuhan ang mobilidad sa Lungsod ng Pasig kaugnay ng scheduled three-day transport strike na magsisimula bukas hanggang sa Biyernes, August 14-16, 2024, ayon sa impormasyon patungkol sa mga maaapektuhang ruta.
Sa kabila nito, nakahandang mag-deploy ng Libreng Sakay vehicles ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa commuters na maaaring maapektuhan ng transport strike.