LIBRENG SAKAY ADVISORY (July 22, 2023)

July 22, 2023

LIBRENG SAKAY ADVISORY

Kaugnay ng nakatakdang transport strike sa July 24-26, 2023 (Lunes hanggang Miyerkules), magde-deploy ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig ng mga bus at iba pang service vehicle para sa Libreng Sakay na makakapagbigay serbisyo sa maaapektuhang commuters. 

Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa Metro Manila Development Authority ukol sa ruta na lubhang maaapektuhan ng transport strike at dapat pagtuunan ng pansin sa dispatch ng Libreng Sakay vehicles. 

Antabayanan ang post ng Pasig City Public Information Office para sa magiging schedule at ruta ng Libreng Sakay.