LAST DAY OF 2022 ANNUAL ACCOMPLISHMENT REPORT

March 2, 2023


.....AND IT'S A WRAP!


Kahapon, March 1, 2023 ginanap ang huling araw ng 2022 Annual Accomplishment Report presentations ng mga natitirang opisina/departamento ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig. Mga opisina/departamento mula sa Institutional Sector: Governance and Administration (Part 3) at Fiscal, Regulatory, and Economic Services naman ang naglatag ng kanilang accomplishments noong 2022.


Ngayong tapos na ang marathon Annual Accomplishment Report presentations, susunod naman na pinaghahandaan ng mga opisina/departamento ang Annual Investment Program marathon presentations na magaganap ngayon ding buwan ng Marso.


---

Parte ng presentasyon ng Annual Accomplishment Reports ang pagsusuri kung ang mga ipinlanong program, project, at activities (PPAs) ng bawat opisina ay na-implementa noong 2022, maging ang pondong nagamit para sa mga ito, at mga kadalasang sanhi ng pagkahuli ng implementasyon ng PPAs upang magamit bilang input kung paano pa patuloy na mas mapapabuti ang implementayon ng PPAs ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.


Ipinipresenta ang mga 2022 accomplishment report sa mga miyembro ng Local Finance Committee, kasama si Mayor Vico Sotto at ilan pang opisina kung saan naka-lodge ang common-use supplies, capacity development, at information and communication technology hardware at software. 


Ang activity na ito ay pinangunahan ng City Planning and Development Office na siyang nag-aanalisa ng mga datos mula sa mga submission ng mga opisina/departamento at nagco-consolidate ng Annual Accomplishment Report na ipapasa sa Commission on Audit.