LABAN, KABATAANG PASIGUEÑO

July 10, 2024



LABAN, KABATAANG PASIGUEÑO!
Bilang parte ng delegasyon ng National Capital Region para sa apat na national events ng Department of Education, nasa lagpas 250 students, coaches/trainers, at support personnel mula sa Schools Division Office of Pasig at Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang kasalukuyang nasa Cebu simula noong July 6, 2024 hanggang sa darating na July 16, 2024.
Ang nasabing delegasyon ay para sa gaganaping Palarong Pambasa, Learners' Convergence, National Schools Press Conference (NSPC), at National Festival of Talents (NFOT).
Bukas, July 11, 2024 ay opisyal nang magsisimula ang mga nasabing patimpalak, matapos ang mga naging Opening Ceremonies at technical meetings noong mga nakaraang araw.
Kaya naman sa lahat ng estudyanteng delegado na nasa Cebu para sa Palarong Pambasa, Learners' Convergence, NSPC, at NFOT: Laban, Kabataang Pasigueño!
Lubos kayong ipinagmamalaki ng Lungsod ng Pasig!
—————
Bago pa man sila magtungong Cebu, nagkaroon muna ng Send Off/Pep Rally na ginanap sa Pasig Elementary School Gymnasium noong July 3, 2024, na dinaluhan din nina Mayor Vico Soto, Congressman Roman Romulo, Vice Mayor Dodot Jaworski, at mga miyembro ng 11th Sangguniang Panlungsod ng Pasig bilang pagpapakita ng suporta sa mga mga mag-aaral, coaches at trainers, mula sa Lungsod ng Pasig na parte ng magiging delegasyon ng buong National Capital Region. Bukod sa delegasyon ay dumalo rin ang mga magulang/guardians/kapamilya ng mga estudyante para magpakita nang kanilang buong suporta.
Parte ng send off/pep rally ang pagbibigay ng mga mensahe mula sa opisyal ng Pamahalaang Lungsod, maging mula sa Schools Division Office of Pasig.
Naging sentro ng kanilang mga mensahe ang pagpapaalala sa mga estudyante ng kahalagahan ng sportsmanship at ang spirit of excellence.
Bukod pa rito, ipinahayag ng mga opisyal na lubos na ipinagmamalaki ng Lungsod ng Pasig ang mga delegado at maging pagpapahalaga ng mga ito sa mga ibinuhos na panahon at pagsusumikap sa pageensayo upang maging kinatawan di lamang ng Pasig, kundi ng buong rehiyon.
Samantala, nagpasalamat naman ang mga kinatawan ng Schools Division Office of Pasig para sa naging suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, hindi lamang sa aspeto ng academics, kundi maging sa extra curricular activities na importante rin sa pagsusulong ng holistic growth ng mga kabataang Pasigueño.
Bukod sa mga naging inspirational messages at messages of support, nagpakitang gilas ang mga delegado para sa dance sport sa ginanap na send off/pep rally, maging ang Pasig City Band na tumugtog ng kanilang Bini medley bilang parte ng programa.
Balikan ang naging send off ceremony sa link na ito: https://bit.ly/ArawNgPasig2024_SendOff_PepRally