KWENTONG HEALTHY PASIGUEÑO: Bb. Bebelita Poriaje
February 16, 2024
Isa si Bb. Bebelita Poriaje sa mga kinilala noong Kick Off Ceremony ng National Oral Health Month ngayong buwan ng Pebrero bilang isa sa maituturing na role models para sa Vision 70-20*.
Ano nga ba ang sikreto ni Bb. Bebelita?
Alamin sa material na ito mula sa Pasig City Health Promotion!
-----
Kwentong Healthy Pasigueño
Pambihirang maituturing ang pagkakaroon ng buo at functional na ngipin kahit hanggang sa pagtanda. Paano nga ba ito nagawa ng ating kababayan na si Ma'am Bebelita Poriaje?
Aniya, "Palagi po akong nagtu-toothbrush; umaga, tanghali [at] sa hapon. Maipagpaliban ko man yung tanghali pero sa gabi bago matulog kailangan talaga mag-toothbrush."