Kalayaan Job Fair 2024
June 7, 2024
JOB FAIR ALERT!
Bilang pakikiisa ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pagdiriwang ng ika-126 taon ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, gaganapin ang KALAYAAN JOB FAIR 2024 sa Miyerkules, June 12, 2024, sa SM City East Ortigas, simula 09:00AM hanggang 03:00PM.
Nasa 50 local at 10 overseas companies ang lalahok sa nasabing job fair. Kaya para sa mga interesadong maghanap ng trabaho, magdala lamang ng maraming kopya ng inyong updated resume/curriculum vitae at sariling ballpen. Ihanda na rin ang inyong mga sarili dahil maaari rin kayong ma-interview, at higit sa lahat, ma-hire on the spot sa araw ng job fair!
Bukod sa job vacancies, magkakaroon din ng ONE-STOP SHOP para sa first-time jobseekers na nais makapag-avail ng libreng serbisyo gaya ng police at NBI clearance o makapagparehistro sa BIR, Pag-IBIG, PhilHEALTH, at SSS. Kinakailangan lamang magdala ng mga sumusunod:
-Barangay Certification na nagsasaad na ikaw ay first-time jobseeker at residente ng nasabing barangay, kabilang ang bilang ng buwan o taon ng paninirahan sa barangay (kailangan ay higit anim na buwan nang resident ng nasabing barangay) at
-valid ID
Paalala lamang sa mga nais lumahok sa job fair na ito, kinakailangang MAG-REGISTER gamit ang QR CODE na makikita sa material.
Ang Kalayaan Job Fair 2024 ay naging posible sa pangunguna ng Pasig City Public Employment Service Office, sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment - National Capital Region, iba’t ibang sangay ng nasyonal na pamahalaan, at partner companies.
Kaya naman ayusin na ang inyong mga resume at kita-kits tayo sa June 12 sa SM City East Ortigas, Pasigueños!