Kaisa ng National Meat Inspection Service ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig,
October 19, 2022
Kaisa ng National Meat Inspection Service ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng Veterinary Services Department of Pasig City, sa selebrasyon ng 29th Meat Safety Consciousness Week na nagsimula noong Lunes, October 17, 2022 hanggang October 21, 2022.
Kasabay ng 29th Meat Safety Consciousness Week observance ay ang pagdiriwang din ng ika-50 anibersaryo ng National Meat Inspection Service (NMIS) ngayong taon. Kaya naman ang naging tema ng week-long observance ay NMIS @ 50 Then and Now, Safe Meat for a Healthier Philippines.
Panuorin ang highlights ng speech ni Mayor Vico Sotto noong Flag Raising Ceremony noong Lunes kung saan nabanggit ang selebrasyon ng 29th Meat Safety Consciousness Week sa link na ito: https://bit.ly/PC_10172022_FlagRaising