Kaisa ng National Commission of Senior Citizens ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa selebrasyon ng Elderly Month ngayong Oktubre!
October 1, 2022
Kaisa ng National Commission of Senior Citizens ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa selebrasyon ng Elderly Month ngayong Oktubre!
"Older Persons: Resilience in Nation-Building" ang tema ng nasyunal na selebrasyon ngayong 2022. Sa Lungsod ng Pasig, ang lokal na tema ng Senior Citizens' Month ay "Pasig Seniors, Walang Kupas".
Sa pangunguna ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) at pakikipagtulungan sa iba't ibang departamento sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, naghanda ng mga aktibidad para sa senior citizens sa darating na October 6-7, 2022! Abangan kung anu-anong mga pakulo ang inihanda ng OSCA sa para sa isang linggo na itinuturing na Elderly Week!