Kabataan Para sa HPV-Free Pasig City | New Schedule
August 22, 2024
Sa August 30, 2024 (susunod na Biyernes), matutuloy na ang paglulunsad ng programang “Kabataan para sa HPV-Free Pasig City” na gaganapin sa Pinagbuhatan Elementary School.
Sa ilalim ng programang ito, ang mga KABABAIHANG Pasigueño na may edad 9-14 taong gulang ay mabibigyan ng libreng bakuna laban sa Human Papillomavirus (HPV). Para sa mga nais magparehistro at mabakunahan, ang registration ay magsisimula sa ganap 01:00PM sa nasabing paaralan.
Sa araw ding ito, magkakaroon ng simultaneous HPV vaccination sa mga Barangay Health Center sa Lungsod ng Pasig. I-check ang material para sa listahan ng Health Centers na kalahok sa simultaneous vaccination.
MGA PAALALA:
Bagamat piling Brangay Health Centers lamang ang lalahok sa simulaneous vaccination sa August 30, magiging available naman ang HPV vaccine sa lahat ng Barangay Health Centers sa Lungsod ng Pasig pagkatapos ng Launching Activity.
Para sa mga nais magparehistro, kinakailangang sumailalim muna sa screening process. Makipag-ugnayan sa pinakamalapit na health center sa inyong barangay mula Lunes hanggang Biyernes, 08:00AM - 05:00PM, liban kung holiday.
Para naman sa mga natapos na sa screening process, dalhin lamang ang inyong screening form at valid ID, at pumunta sa pinakamalapit na health center upang makatanggap ng bakuna.
–
Ang programang ito ay naging posible sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng City Health Department, sa Sangguniang Kabataan ng Pinagbuhatan at MSD Philippines.
Tayo na’t magkaisa para sa ating adhikain na HPV-Free Pasig City!
–
Ang paglulunsad ng programang ito ay orihinal na naka-schedule noong July 25, 2024. Ngunit dahil sa masamang panahon dulot ng Habagat na pinalakas pa ng Bagyong Carina, ipinagpaliban ang programa para sa kaligtasan ng lahat.