Kabataan Para sa HPV-FREE Pasig City
July 18, 2024
Pasigueños!
Bilang paghahanda para sa selebrasyon ng National Adolescent Immunization Month sa buwan ng Agosto, ilulunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng City Health Department, ang Human Papillomavirus (HPV) Vaccination para sa mga KABABAIHANG Pasigueño na edad 9-14 taong gulang.
Para opisyal na ilunsad ito, magkakaroon ng ceremonial HPV Vaccination na gaganapin sa susunod na Huwebes, July 25, 2024 sa Pinagbuhatan High School, simula 08:00AM hanggang 11:00AM. Kasabay nito, magkakaroon ng simultaneous screening at HPV vaccination sa 15 Barangay Health Centers sa Lungsod ng Pasig.
Para sa mga magulang na nais i-rehistro ang kanilang mga anak para sa HPV vaccination, makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na Barangay Health Center sa inyong lugar.
Tingnan ang post mula Pasig City Health Promotion para sa iba pang detalye ukol sa HPV vaccination.
Ang programang ito ay naging posible sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa Sangguniang Kabataan ng Pinagbuhatan at MSD Philippines.