JUST IN: Pamahalaang Lungsod ng Pasig, Kabilang sa Nagkamit ng 2024 Seal of Good Local Governance Award

November 14, 2024

Sa pangalawang pagkakataon, nakamit muli ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang 2024 Seal of Good Local Governance (SGLG) Award sa ilalim ng ALL IN Assessment Approach.
Isa ang Lungsod ng Pasig sa 714 na lokal na pamahalaan sa buong bansa na opisyal na paparangalan sa darating na SGLG National Validation. Matatandaang SGLG awardee rin ang Lungsod ng Pasig noong 2023.
Para makuha ang SGLG, kailangang makapasa sa assessment ng Department of the Interior and Local Government ang isang lokal na pamahalaan sa LAHAT ng 10 governance areas o ALL IN assessment approach: Financial Administration and Sustainability Disaster Preparedness Social Protection and Sensitivity Health Compliance and Responsiveness; Sustainable Education Business Friendliness and Competitiveness, Safety, Peace and Order, Environmental Management; Tourism, Heritage Development Culture, and Arts; and Youth Development.
Source: Seal of Good Local Governance Facebook