JUNE IS A CELEBRATION OF A COLORFUL PRIDE MONTH! 🏳️‍🌈🏳️‍⚧️🌈

June 13, 2024

Sa Pasig, ang lahat ng indibidwal, ano man ang sexual orientation, gender identity, at expression (SOGIE) ay kabilang, tanggap, nirerespeto, at ginagalang.
Basahin sa material ang salient features ng Pasig City Comprehensive Anti-Discrimination Ordinance (CADO) na naipasa ng ating Sangguniang Panlungsod noong March 17, 2022.
Ang Pasig City CADO ay isang ordinansa na naglalayong protektahan ang lahat ng indibidwal sa Lungsod ng Pasig mula sa anumang uri ng diskriminasyon sa kasarian, seksuwal na oryentasyon, pagkakakilanlan, at iba pa, at maisulong ang pantay na karapatan at pagkakataon sa lahat ng mamamayan sa lungsod anuman ang SOGIE.
Ipinagmamalaki natin ang ating lungsod sa pagsulong ng pagkakapantay-pantay at pagkilala sa dignidad ng bawat isa.
Sama-sama tayong magdiwang ng Pride Month na puno ng pagmamahal at pagkakaisa! 🏳️‍⚧️🏳️‍🌈
Happy Pride!