July is National Nutrition Month | 50th National Nutrition Month
July 1, 2024
JULY IS NATIONAL NUTRITION MONTH!
Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pagdiriwang ng 50th National Nutrition Month ngayong buwan ng Hulyo!
Sa ilalim ng temang "Sa PPAN (Philippine Plan of Action for Nutrition) Sama-Sama sa Nutrisyong Sapat para sa Lahat", naghanda ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pamamagitan ng City Health Department - Nutrition Office, ng iba't ibang aktibidad kaugnay ng Nutrition Month.
I-follow at i-check ang Facebook Page ng Pasig City Nutrition Committee para sa roll out ng activities ngayong 50th Nutrition Month at iba pang kaalamang makakatulong para mapanatili ang kalusugan sa pamamagitan ng tamang nutrisyon.
Para opisyal na buksan ang Nutrition Month Celebration sa Lungsod ng Pasig, ipinaliwanag ni Pasig City Nutrition Action Officer Jenily Capalaran kung ano ang PPAN at ang magiging selebrasyon ngayong buwan, na naging parte ng lingguhang pagtataas ng watawat ngayong umaga, July 1, 2024.