JOB FAIR ALERT FOR FIRST-TIME JOBSEEKERS
April 25, 2023
JOB FAIR ALERT!
Bilang pa-post Labor Day ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, magkakaroon ng FIRST-TIME JOBSEEKERS ONE-STOP SHOP at TRABAHO PARA SA PASIGUEÑO JOB FAIR sa May 2, 2023 | 09:00AM - 04:00PM sa Tanghalang Pasigueño!
Para sa first-time jobseekers na nais makapag-avail ng libreng serbisyo (hal: police clearance at NBI clearance) o makapagparehistro sa BIR, PAGIBIG, PhilHEALTH, SSS, magdala ng:
-Barangay Certification na nagsasaad na ikaw ay: first-time jobseerker at residente ng nasabing barangay, kabilang ang bilang ng buwan o taon ng paninirahan sa barangay (kailangan ay higit anim na buwan nang residente ng nasabing barangay); at
-Valid ID
-Sariling ballpen
Para naman sa job fair, na aabot na sa 30 kumpanya na ang nag-confirm na lalahok dito, maghanda na ng maraming kopya ng iyong updated na resume/curriculum vitae at sariling ballpen.
Dahil sa init ng panahon, hinihikayat ang lalahok sa activity na ito na magdala rin ng payong, pamaypay, at sariling tubig!
Ang activity na ito ay naging posible sa pangunguna ng Pasig City Public Employment Service Office, sa pakikipagtulungan sa iba't ibang sangay ng nasyunal na pamahalaan, at partner employers.
Kita kits sa May 2, 2023 (Martes)!