JOB FAIR ALERT | 2024 Labor Day Job Fair
April 24, 2024
JOB FAIR ALERT!
Kaugnay ng selebrasyon ng Labor Day, idaraos ang 2024 LABOR DAY JOB FAIR na gaganapin sa May 1, 2024 (Wednesday), Level 3 ng Robinsons Metro East mula 09:00AM hanggang 03:00PM.
Nasa 60 local at overseas companies ang lalahok sa job fair event na ito para magbigay ng hanapbuhay sa mga Pasigueño – kaya naman hinihikayat ang lahat, lalo na ang first-time jobseekers na sulitin ang pagkakataon na ito para magkaroon ng trabaho!
- Para sa mga nais mag-apply ng trabaho, magdala lamang ng maraming kopya ng inyong resume/curriculum vitae at sariling ballpen.
- Para naman sa first-time jobseekers na gustong makapag-avail ng libreng serbisyo sa One-Stop Shop (hal: makakuha ng police clearance at NBI clearance) o makapagparehistro sa BIR, Pag-IBIG, PhilHealth, at SSS magdala lamang ng: (1) Certification mula sa Barangay na nagsasaad na ikaw ay residente ng nasabing barangay, kabilang ang bilang ng buwan o taon ng paninirahan sa barangay (kailangan ay higit anim na buwan nang residente ng nasabing barangay); (2) Oath of Undertaking (na makukuha rin sa inyong mga barangay bilang katunayan na kayo ay first-time job seeker); (3) valid ID; at (4) sariling ballpen.
Bukod sa job vacancies at one-stop shop, present din sa Job Fair ang TESDA para sa mga nais mag-renew ng kanilang National Certificate (NC) at Certificate of Competency (COC). Dalhin lamang ang mga sumusunod: (1) Duly Accomplished Application Form; (2) Photocopy of NC/COC (dapat mai-present ang original copy); (3) 2 pcs. Passport size picture; (4) Certificate of Work and/or Teaching Experience; at (5) maghanda rin ng PHP 35.00 para sa renewal fee.
Kaya naman sa mga nais lumahok sa job fair event na ito, mag-register lamang gamit ang QR code na nasa material.
Ang event na ito ay naging posible sa pangunguna ng Pasig City Public Employment Service Office, sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment - National Capital Region, iba’t ibang sangay ng nasyonal na pamahalaan, at partner employers.
Kita-kits sa May 1 para sa 2024 Labor Day Job Fair, Pasigueños!