ISANG TULOG NA LANG, KALAYAAN JOB FAIR 2024 NA!
June 11, 2024
Ayain na ang mga kapamilya at barkada sa SM City East Ortigas bukas, June 12, 2024, para sama-samang makapag-apply ng trabaho sa gaganaping Kalayaan Job Fair 2024! Tumatanggap ng mga aplikante simula 09:00AM hanggang 03:00PM para sa job fair.
I-check ang link na ito para sa job vacancies na available sa job fair: https://bit.ly/KalayaanJobFair2024
Para naman sa first-time jobseekers, sulitin na ang araw na ito para makapag-avail ng libreng serbisyo gaya ng police at NBI clearance o makapagparehistro sa mga kadalasang employment requirements tulad ng BIR, Pag-IBIG, PhilHEALTH, at SSS. Magdala lamang ng Barangay Certification na nagsasaad na ikaw ay first-time jobseeker at residente ng nasabing barangay, kabilang ang bilang ng buwan o taon ng paninirahan sa barangay (kailangan ay higit anim na buwan nang residente ng nasabing barangay) at valid ID.
Kaya’t ano pa ang hinihintay ninyo? Mag-register na gamit ang QR CODE na makikita sa material at kita-kits tayo bukas sa SM City East Ortigas!