ISANG MAHALAGANG PAALALA MULA SA PASIG CITY VETERINARY SERVICES DEPARTMENT
July 24, 2024
ISANG MAHALAGANG PAALALA MULA SA Veterinary Services Department of Pasig City
Manatiling ligtas ngayong malakas at tuluy-tuloy ang buhos ng ulan dala ng hanging Habagat at Bagyong Carina. Ngunit sana, di rin natin kalimutan ang ating mga alagang hayop.
Ang ating evacuation centers ay pet-designated places kaya kung kakailanganing lumikas, hangga't kaya, ay dalhin po natin sila.