ISANG GABI NG PASASALAMAT NA HINDI NATIN MALILIMUTAN!

June 30, 0223

Ipagdiriwang natin ang ika-450 Araw ng Pasig sa Linggo, July 2, 2023 kasama ang  strong lineup of artists mula sa iba't ibang genre: Tres Marias, Itchyworms, Bamboo, Abra, Apo Hiking Society, Ace Banzuelo, at Boobay, kasama ang local artists ng Pasig City!

Kita kits sa Pasig City Hall Quadrangle (Caruncho Ave. area) ng 05:00PM! 

Bago ang concert, magkakaroon muna ng programa kung saan magpe-perform ang Top 3 winners ng Indak ng Pag-asa para magkaalaman na kung sino ang tatanghaling Grand Champion na iaanunsyo bago matapos ang gabi!

Highlight ng nasabing programa ang mahalagang anunsyo ni Mayor Vico Sotto! 

Isama na ang buong barangay dahil isasarado ang parte ng Caruncho Ave at F. Manalo St. para mas marami ang makadalo at makaka-jam sa ating malakihang concert!

Pero para sa mga Team Bahay, sagot din namin kayo dahil ila-live rin ang ating Gabi ng Pasasalamat dito sa Facebook Page ng Pasig City Public Information Office! 

Kaya Team Bahay ka man o Team Quadrangle, maki-celebrate sa ika-450 Araw ng Pasig!

---

I-check ang traffic advisory kaugnay ng Gabi ng Pasasalamat sa link na ito: https://bit.ly/GabiNgPasasalamat_TrafficAdvisory

#PanahonNgPasigue├▒o