Intensity II Earthquake, Naramdaman sa Lungsod ng Pasig
October 13, 2023
Agad na lumikas ang mga empleyado at bisita ng Pasig City Hall sa kani-kaniyang designated evacuation areas matapos maramdaman at maitala ang intensity II na lindol sa Pasig maging sa mga karatig lugar.
Kasalukuyang nagsasagawa ng assessment ang Pasig City Rapid Damage and Needs Analysis Team, sa pangunguna ng City Engineering Department, upang i-check ang mga posibleng pinsala na dulot ng lindol sa City Hall at maging sa iba pang imprastraktura sa City Hall Compound, at siguruhing ligtas ang mga empleyado at mga bisita sa loob ng gusali.
Kung may emergencies, maaaring tumawag sa Pasig City Emergency Hotline sa 8643-0000.
Mag-ingat po tayong lahat, PasigueƱos!