IN PHOTOS: World No Tobacco Day Celebration
June 2, 2024
Bilang pagdiriwang ng World No Tobacco Day (WNTD) at pagsalubong na rin sa National No Smoking Month ngayong June 2024 ay nagdaos ng back-to-back activities ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig, na pinangunahan ng Anti-Smoking Task Force noong Biyernes, May 31, 2024. Ang tema para sa selebrasyon ngayong taon: Protecting Children from Tobacco Industry Interference.
Nagsimula ang series of activities para sa selebrasyon ng WNTD sa isang maiksing programa na ginanap sa Maybunga Rainforest Park. Dinaluhan ito ng nasa halos 150 representatives mula sa iba't ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig at ilang mga bisita mula sa nasyunal na pamahalaan at health organizations.
Nagbigay ng Messages of Support ang ilang mga kinatawan ng nasyunal na pamahalaan at health organizations na nakilahok sa selebrasyon ng Lungsod ng Pasig ng WNTD na sina: Ms. Rosalie Espeleta, Development Management Officer V ng Department of Health Metro Manila Center for Health Development,
Dr. Madeleine de Rosas-Valera na Senior Technical Adviser, Tobacco Control Division ng Vital Strategies, at
Jasmine Paraiso ng Metropolitan Manila Development Authority.
Samantala, nagbigay din ng mensahe ang mga sumusunod na kinatawan mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig: City Administrator Atty Jeronimo Manzanero, City Environment and Natural Resources Office (CENRO) Head Allendri Angeles, City Treasurer Marita Callaje, City Assistant Health Officer Dra. Emma Cuevas, Business Permit and Licensing Department Head Cesar Mendoza, at Peace and Order - Bantay Pasig Division Head Ret Maj Cesario Tubog.
Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni City Administrator Atty Manzanero ang kanyang journey sa pagiging smoke-free, kung saan nasa higit 300 days na simula noong itinigil na niya ang paninigarilyo, na talaga namang swak sa mensahe ng WNTD at National No Smoking Month at panghihikayat din sa mga naninigarilyo na kung gugustuhin talaga, kaya pang itigil ito. Samantala, tahasan namang kinondena ni CENRO Head Allendri Angeles ang mga aktibidad na may kinalaman sa pag-promote ng iba't ibang uri ng paninigarlyo, lalo na ang nauusong vaping.
Highlight din ng naging selebrasyon ang tree planting activitiy sa Maybunga Rainforest Park kung saan nagtanim ang mga lumahok sa activity ng narra at golden shower seedlings. Pagkatapos ng tree planting ay ginanap din ang awarding para sa mga nanalo sa ginanap na Poster Making Contest kaugnay pa rin ng WNTD.
Tinanghal na Poster Making Contest Champion si Sophia Anne Zamora ng Pinagbuhatan High School, at sina Leanne Jocel Flores ng Pasig City Science High School naman ang 2nd place; at Athena Morigan Solayao ng Manggahan High School ang 3rd place.
Sinundan ang programa sa Maybunga Rainforest Park ng isang Motorcade na nilahukan din maging ng mga barangay sa Lungsod ng Pasig, iba't ibang opisina/departamento sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, at maging mga kinatawan mula sa nasyunal na pamahalaan.
Ang selebrasyon ng World No Tobacco Day ay naging posible sa pangangasiwa ng Anti-Smoking Task Force, na binubuo ng iba't-ibang tanggapan sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, na pinangunahan ng CENRO at City Health Department, sa pamamagitan ng Pasig City Health Promotion (Health Education and Promotion Office) at Tobacco Control Office nito.