IN PHOTOS: UNVEILING A HERITAGE TREE MARKER AND SIGNING OF MEMORANDUM OF AGREEMENT

April 18, 2023


Bilang parte ng selebrasyon ng ika-450 Araw ng Pasig at Month of Planet Earth/Earth Day, pinasinayaan ang Heritage Tree Marker sa puno ng Acacia na matatagpuan sa Pasig Catholic Cemetery ngayong araw, April 18, 2023.
Bukod pa rito, pumasok din sa isang kasunduan ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa Department of Natural Resources - National Capital Region (DENR-NCR), at Immaculate Conception Cathedral para sa maipatupad ang Heritage Tree Program sa Lungsod ng Pasig.
Sa ilalim ng Heritage Tree Program, ang mga puno na matanda na, kaiba, natib, o kaya endemic, na may minimum circumference na 100 centimeters at may sukat na one-half meter above ground ay maaaring maituring bilang "heritage tree" batay sa magiging nominasyon ng "host community" nito. Sa kasunduan/programa na ito ay makakatanggap ng proteksyon ang heritage tree mula sa foresters ng DENR-NCR para masiguro na mabubuhay nang mas matagal pa ang puno at mas ma-enjoy pa ito ng mga susunod pang henerasyon.
Tinatayang nasa higit 100 taon na ang nasabing puno ng acacia na nagsilbing saksi sa iba't ibang pangyayari bago pa man ang ika-20 siglo, kabilang ang Spanish-American war noong 1898 kung saan ang sementeryo noon ay nagsilbing kampo ng mga sundalong Amerikano.
Ang aktibidad na ito ay naging posible sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng City Environment and Natural Resources Office, sa DepEd-NCR, at Immaculate Conception Cathedral (ICC) of Pasig City. Dinaluhan ito nina Congressman Roman Romulo, Vice Mayor Dodot Jaworski, Jr., Sangguniang Panlungsod Committee on Ecology and Environmental Protection Chairperson Kiko Rustia, DENR-NCR Protected Area Management and Biodiversity Conservation Section Chief Aida Esguerra, Diocese of Pasig Chairman for Cultural Heritage Rev. Fr. Roy Rosales, at iba pang konsehal ng Sangguniang Panlungsod at miyembro ng ICC.