IN PHOTOS: TURNOVER CEREMONY NG UTILITY VEHICLES PARA SA MGA BARANGAY
June 11, 2024
Patuloy pang pinalalakas ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang kakayahan ng mga Pamahalaang Pambarangay nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng utilitiy vehicles sa mga ito. Isang turnover ceremony ng utility vehicles ang ginanap noong Linggo, June 9, 2024, sa Caruncho Ave., San Nicolas, para opisyal nang maibigay sa mga barangay ang mga nasabing sasakyan.
Sa kanilang mga pahayag para sa mga kinatawan ng 30 barangay na present sa naging Turnover Ceremony, pinaalalahanan nina Vice Mayor Dodot Jaworski at Mayor Vico Sotto na pangalagaan ang mga utility vehicle, lalo na at mula ito sa mga buwis na binabayad ng mga mamamayan.
Bukod pa rito, pinaalala rin ni Mayor Sotto sa magiging drivers ng utility vehicles, katulad ng pagpapaalala sa paggamit ng Patient Transport Vehicles na ibinigay din sa mga barangay noong February, na gamitin ito sa maayos na paraan, lalo na nirerepresenta ng utility vehicles ang Pamahalaang Lungsod, maging ang mga barangay mismo.
Pagkatapos ng maiksing programa ay nagkaroon ng blessing ng utility vehicle units, bago opisyal na nagkaroon ng pagbigay ng mga susi at deed of donation sa mga barangay.
Ang Turnover Ceremony na ito ay naging posible sa pagtutulungan ng Community Relations and Information Office at Office of General Services.
I-check ang nauna nang post ni Mayor Vico tungkol sa Turnover Ceremony sa link na ito: https://bit.ly/MVS_Turnover_UtilityVehicles