IN PHOTOS: Transfer of Command at Operational Period Briefing ng November 17, 2024 | 0800H - 2000H
November 17, 2024
Ikatlong shifting na ng personnel na naka-deploy para sa Response ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa ST #PepitoPH.
Simula kahapon ng 0800H ay nagsimula nang mag-deploy ng personnel lalo na ang mga nakatalaga sa pagsiguro sa kahandaan ng ating lungsod na magresponde sa mga pangangailangan ngayong may bagyo.
Bukod sa relief goods, as of 09:00AM ngayong November 17, 2024, may 29 evacuation centers mula sa 21 barangays na ang naka-pre set up para nakahanda na ito, kung sakaling kailanganin.
Sa operational period briefing, nagpaalala ang incoming Incident Management Team tungkol sa tasking ng bawat departamento/opisina na naka-duty sa Incident Command Post, maging patungkol sa safety protocols.
Pinapaalalahan ang bawat isa na manatiling alerto at huwag maging kampante sa kasalukuyang lagay ng panahon. Mas maigi na maging handa para maiwasan ang anumang insidente.
Mag-ingat po ang lahat at manatiling mag-monitor ng lagay ng panahon.