IN PHOTOS: TAGAMASID NG PASIG AWARDING AND COMMENDATION CEREMONY

February 8, 2024



Isang Awarding and Commendation Ceremony ang ginanap noong Martes, February 6, 2024, para sa programa ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na TAGAMASID sa Pasig.
Sa kabuuan, 138 ang nakatanggap ng pagkilala na binubuo ng 67 uniformed personnel, 29 District Drug Enforcement Units, 38 Station Drug Enforcement Units, at 4 informants.
Sa ilalim ng nasabing programa ay kinikilala at binibigyang insentibo ang police officers at informants ng mga matagumpay na naisagawang anti-illegal drug operations sa Lungsod ng Pasig, alinsunod sa Pasig City Ordinance No. 11, s. 2010.
Ang TAGAMASID sa Pasig, na pinangangasiwaan ng Pasig City Anti-Drug Abuse Office, ay isa sa mga programa ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa pagpapanatili ng peace and order sa lungsod, sa pamamagitan ng pagsugpo sa problema ng ilegal na droga.