IN PHOTOS: Serenata Para sa Mutya ng Pasig Revolving Tower

June 30, 2024



Di napigilan ng bahagyang pag-ulan ang matagumpay na pagdaraos ng Serenata Para sa Mutya ng Pasig Revolving Tower noong Huwebes, June 27, 2024, sa Tanghalang Pasigueño.
Talaga namang ipinamalas ng Pasig City Band ang kanilang angking galing sa pagtugtog ng iba't ibang genre ng musika mula sa iba't ibang panahon.
Hinati sa two sets ang kabuuan ng naging performance ng Pasig City Band kabilang ang pagtutog ng Philippine Regional March, Veteranos de la Revolucion, Naraniag (Solo Trombone), Kay Ganda ng Ating Musika, Anak, Yellow Submarine, Uhaw, Raining in Manila, Superman, Rocky, Memories of Love (Solo for Trumpet), Queen, at medley ng Kamikazee, Ben & Ben, at Bini. Para sa huling kanta, isinarado ng Pasig City Band ang Serenata para sa Mutya ng Pasig Revolving Tower sa pamamagitan ng Where Eagles Soar.
Tampok sa naging serenata ang soloists na sila Archie Ramos at Jester Tuazon.
Nagsilbi namang intermission numbers ang naging performances ng ilang kabataang Pasigueño na sumailalim sa Music Appreciation Program ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Ang ilan sa kanila ay nagperform na may gamit ng instruments, samantalang ang iba naman ay kumanta. Nagpakitang gilas sina: Jamie Lerene Olig - What a Wonderful World (Alto Saxophone); Marcha De Leon - Raining in Manila (Ukelele); Atianna Maria Lapaz - That's the Way I Loved You; Azeli Angel Liray - Tears for Fear; Juric Agoylo - The Greatest Love of All; Precious Angel Dawit - Karera; Chloe Alvarrez - Valentine (Guitar); Alexandra Jumawan - Meet me on Our Spot; at Queen Lhena Mae Quilog - Dear Future Husband.
Gustong balikan ang Serenata? Mapapanuod ang Facebook Live nito sa link na ito: https://bit.ly/Serenata_MutyaNgPasig_RevolvingTower
———
Ang Serenata para sa Mutya ng Pasig Revolving Tower ay parte ng pagdiriwang ng Araw ng Pasig 2024, pati na rin ang ika-50 taon ng Revolving Tower ngayong taon.
Naging posible ito sa pangunguna ng Pasig City Cultural Affairs and Tourism Office at Pasig City Band at pakikipagtulungan sa ibang opisina/depatamento sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig.