IN PHOTOS: Send Off Ceremony para sa Batang Pinoy 2024 Delegates ng Lungsod ng Pasig
November 19, 2024
Isang send off ceremony para sa mga delegado ng Lungsod ng Pasig sa darating na Batang Pinoy 2024 ang ginanap noong Sabado, November 16, 2024 sa Pasig Elementary School Gym.
Para sa send off ceremony, nagbigay ng inspirational at good luck messages sina Mayor Vico Sotto, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Pasig, at Pasig City Schools Division Superintendent Sheryll Gayola. Nagkaroon din ng orientation para sa mga atleta at distribution ng allowances para sa mga ito.
Gaganapin ang Batang Pinoy National Championships 2024 sa November 23 - 28, 2024 sa Puerto Princesa City.
Para sa mga delegado, lubos kayong ipinagmamalaki ng Lungsod ng Pasig!