IN PHOTOS: SANGGUNIANG KABATAAN (SK) PANLUNGSOD NA PEDERASYON | Orientation, Candidates Forum (SK President Candidates), at Election ng SK Federation Officers

November 15, 2023



Matagumpay na naisagawa ang eleksyon ng mga Sangguniang Kabataan (SK) Federation Officers kahapon, November 14, 2023 sa Pamantasan ng Lungsod ng Pasig. Mula sa eleksyon na ito, nanalo ang mga sumusunod:

President: Keil Custillas ng PInagbuhatan

Vice President: Jervin Ventura ng Buting

Secretary: Jasdel Cabrera ng Sumilang

Treasurer: Mikaella Soriano ng Sta Cruz

Auditor: Kaiah Reyes ng Kapitolyo

Sergeant at Arms: Cedric Paculan ng Dela Paz

Public Relations Officer: Chlodi Quintana ng Pineda

Bago nagkaroon ng eleksyon ng SK Federation Officers mula sa hanay ng mga SK Chairperson-elect sa 30 bararangay ng Pasig ay nagkaroon ng maiksing Orientation tungkol sa SK Federation kung saan tinalakay ang Legal Bases ng SK Federation; at Powers and Functions ng SK Federation Officers.

Matapos nito ay nagkaroon ng diskusyon tungkol sa magiging proseso ng election. Ang mananalong SK Federation President ay magsisilbing ex-officio member ng 11th Sangguniang Panlungsod ng Pasig at representante ng Kabataang Pasiegueño sa konseho -- kaya naman sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng Candidates Forum tampok ang limang kandidato na nanomina bilang SK Federation President na sila: Keil Custillas ng Pinagbuhatan; Irish Tagle ng Sto Tomas; Tyrone Monakil ng Rosario; Alec Santos ng Bambang; at Hannah Pabalan ng Kalawaan. Nagtagisan ng galing at talino ang limang kandidato para mapatunayan na sila ay karapat-dapat maging SK Federation President. 

Layon ng Candidates Forum na matulungan ang mga SK Chairperson-elect sa pagdedesisyon sa pagboto ayon sa husay ng mga kapwa Chairperson sa Forum. Bawat isa ay may kalayaang bumoto ng sa tingin nya ay nararapat para sa pagkapresidente nang walang dikta mula sa sinuman.  Naging parte rin ng one-day activity na ito sina Pcol Robert Delos Reyes ng Philippine National Police - Pasig, Ms. Marifel Villadiego, principal ng Pasig Elementary School, at si Ms. Rhoda Reyes ng AKKAPP PWD Pasig Federation Auditor bilang panel of observers ng naging kabuang proseso. 

Matapos ang naging eleksyon ay nagkaroon ng oath-taking na pinangunahan ni Mayor Vico Sotto na nagbigay din ng mensahe para sa mga nahalal na SK Federation Officers. Bukod kay Mayor Vico ay dumalo rin sa oath taking at nagpaabot ng kanilang mensahe sina Councilor Eric Gonzales, Councilor Corie Raymundo, at Councilor Volta delos Santos.

Ang activity na ito ay naging posible sa pagtutulungan ng Department of the Interior and Local Government - Pasig Field Office, Commission on Elections - Pasig (na nagsilbing parte ng ng Board of Election Supervisor katulong ang DILG), at Local Youth Development Office.

Gustong mapanuod ang Candidates Forum? I-click ang link na ito: https://bit.ly/CandidatesForum_SKFedPres_Pasig 

Samantala, para naman mapanuod ang oath-taking ng SK Federation Officers at mapakinggan ang inspirational message ni Mayor VIco Sotto at mga konsehal, i-click ang link na ito: https://bit.ly/OathTaking_SKFedOfficers_Pasig  

#UmaagosAngPagasa