IN PHOTOS: Presentation ng 2024 Annual Accomplishment Reports ng mga Departamento/Opisina ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig | Days 2 at 3

February 1, 2025

Mga departamento/opisina naman mula sa Social at Institutional Sectors ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang sumalang sa marathon presentation ng accomplishment reports para sa taong 2024 noong Huwebes at Biyernes, January 30-31, 2025, na ginanap pa rin sa People's Reception Hall ng Temporary Pasig City Hall.
Tig-16 departamento/opisina ang nag-present ng kani-kanilang 2024 Annual Accomplishment Report (AAR) para sa Days 2 at 3. Para sa kumpletong detalye tungkol sa format ng tig-half day activity ng presentation ng AAR , i-check ang naunang post kaugnay nito: https://bit.ly/2024_AARPresentation
Sa Lunes, February 3, 2025, magpi-present naman ang natitirang 10 pa para mabuo ang presentation ng nasa 56 opisina/departmento ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig. Bukod sa mga opisina/departamento, magkakaroon din ng presentation ang pitong opisina* na in-charge sa Mainstreaming/Attribution.
----
Bawat departamento/opisina ay magre-report kina Mayor Vico Sotto at mga miyembro ng Local Finance Committee (binubuo ng City Administrator, City Planning and Development Coordinator, City Budget Officer, City Accountant, City Treasurer, at kinatawan mula sa Office of the City Mayor). Para sa Days 2 at 3 ay nakasama sa panel si Councilor Maro Martires na Chairperson ng Sangguniang Panlungsod Committee on Appropriations, Ways, and Means.
Kasama rin sa AAR Presentation ang mga focal* ng mga Mainstreaming/Attribution Departments/Offices: Disaster Risk Reduction and Management Office para sa Local Disaster Reduction and Management Fund; City Engineering Office para sa Community Development Fund; Education Unit para sa Special Education Fund; Human Resource Development Office para sa Capacity Development; Office of General Services para sa supplies at other general services; Management Information System Office para sa information and communications technology; at Gender and Development Office para sa Gender and Development Plan and Budget.
Bukod sa presentasyon ay may kaakibat ding narrative reports ang mga AAR ng mga departamento/opisina na siya namang kino-consolidate at ina-analisa ng CPDO bago ito ipasa sa Commission on Audit.
----
Ang mga departamento/opisina na nag-present ng kanilang AAR para sa Day 2 ay :
SOCIAL SECTOR
Social Services Subsector: City Social Welfare and Development Office, Gender and Development Office, City Youth Development Office, City Civil Registry Department, Youth Development Center, Persons with Disability Affairs Office, Office of the Senior Citizens Affairs
Housing Subsector: Pasig Urban Settlements Office
Public Order and Safety Subsector: Peace and Order Department, Traffic and Parking Management Office, Pasig City Anti-Drug Abuse Office
Education Subsector: Pasig City Education Department, Pasig City Science High School, Pamantasan ng Lungsod ng Pasig, Pasig City Library, at Special Children Education Institution
Para naman sa presenters ng Day 3:
SOCIAL SECTOR
Health Subsector: City Health Department, Pasig City General Hospital, Pasig Hope Medical Center (dating Pasig City Children's Hospital)
INSTITUTIONAL SECTOR
Governance and Administration Subsector: Human Resource Development Office, Community Relations and Information Office, People's Law Enforcement Board, Management Information Sytems Office, Liga ng mga Barangay, Office of General Services, Office of the Vice Mayor/Sangguniang Panlungsod ng Pasig, Secretariat to the Sangguniang Panlungsod, Office of the Sangguniang Kabataan Federation, Ugnayan sa Pasig, Public Information Office, City Assessor's Office, at City Legal Office.