IN PHOTOS: PASIG HERITAGE AND CULINARY TOUR
August 3, 2023
Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang Heritage and Culinary Tour noong July 23, 2023 sa pamamagitan ng pagsagawa ng maiden tour na nilahukan ng mga kinatawan mula sa iba't ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan at 11th Sangguniang Panlungsod na pinangunahan nina Councilor Corie Raymundo at Councilor Quin Cruz.
Ang paglulunsad ng Pasig City Heritage and Culinary Tour ay parte pa rin ng pagdiriwang ng ika-450 Araw ng Pasig. Layon nito na mapalawak ang kaalaman at pagpapahalaga ng publiko sa mga makasaysayang lugar sa Pasig.
Ang tour ay nakasentro sa mga built heritage na matatagpuan sa Poblacion area. Ilan sa mga mapupuntahan sa ilalim ng tour ay ang:
-Gabaldon Building ng Pasig Central Elementary School
-Valentin Cruz Statue
-Bitukang Manok (Parian Creek)
-Museo Diocesano
-Colegio del Buenconsejo
-Plaza Rizal
- Concepcion Mansion
-Bahay na Tisa
Tampok din sa tour na ito ang ilan sa mga sikat na delicacies sa Pasig tulad ng Aging's Food Delight at Ado's Panciteria.
Interesado sa Pasig Heritage and Culinary Tour? Abangan ang mga susunod na anunsyo patungkol sa pagbubukas nito sa publiko!
----
Ang programang ito ay nabuo sa pangunguna ng Office of the City Mayor at Cultural Affairs and Tourism Office, sa pakikipagtulungan sa Kabataang Tambuli ng Pasig, mga nangangasiwa ng built heritage properties ng lungsod, Simbahan, at mga nagluluto ng pagkaing lokal sa Pasig.
#PanahonNgPasigueño