IN PHOTOS: PASIG CITY TOURISM COUNCIL MEETING

June 5, 2024



Ginanap ang unang pagpupulong ng Tourism Council ng Lungsod ng Pasig sa People's Hall, 8th Floor, Pasig City Hall kahapon, Hunyo 4, 2024.
Dinaluhan ng iba't-ibang opisina/ahensya/organisasyon mula sa lokal at nasyunal na pamahalaan ang nasabing pagpupulong, kasama rin ang ilang kinatawan ng pribadong sektor sa turismo.
Pinangunahan ng Pasig City Cultural Affairs and Tourism Office ang pagpupulong bilang sekretaryat ng nasabing konseho. Nagkaroon ng presentasyon ng mga naging matagumpay na programa, proyekto, at aktibidad (PPAs) sa taong 2023 at mga bagong gawain ngayong taon. Pinresenta rin ang mga pangunahing plano para sa turismo sa taong 2025. Binigyang diin ang updating ng Tourism Development Plan, na magiging gabay ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pagpapalago ng turismo.
Nagsilbing kinatawan ng Department of Tourism - National Capital Region sina Assistant Regional Director Catherine C. Agustin at Chief Victoria Margarita V. Paje. Ilan sa mga puntos na naging paksa ng diskusyon ni ARD Agustin ang: pagdagdag ng mga programa sa buwan ng Setyembre bilang selebrasyon ng Tourism Month; Implementasyon ng Pasig City Ordinance No. 39, s. 2023 na naglalayong paigtingin ang pangungulekta ng mga tourism data; City Action Plan para sa Semana Santa; Flavors of NCR 2026 na gaganapin sa Pasig City; DOT Accreditation ng Tourism Establishments; at pagsasaayos ng Pasig City Tourism Development Plan.
Sa kanyang mensahe, nagpasalamat ang Mayor Vico Sotto sa mga miyembro ng Pasig City Tourism Council na patuloy na sumusuporta sa mga proyekto ng Cultural Affairs and Tourism Office.