IN PHOTOS | Pasig City Civic Parade 2025
July 2, 2025

ππ ππππππ | πππππ ππππ πππππ ππππππ ππππ
Sinimulan ang pagdiriwang ng Araw ng Pasig 2025 sa pamamagitan ng makulay at masayang Civic Parade na nagsimula sa Sta. Clara de Montefalco Parish sa Brgy. Caniogan.
Kitang-kita ang diwa ng pagkakaisa at kasiyahan sa mga lumahok sa parada na binubuo ng mga opisyal at empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, mga kinatawan mula sa ibaβt ibang tanggapan ng nasyonal na pamahalaan na naka-base sa lungsod, mga barangay, paaralan, at mga organisasyon mula sa ibaβt ibang sektor dito sa Lungsod ng Pasig.
Tampok sa Civic Parade ang makukulay na pakulo ng mga tanggapan ng City Hall, pati na rin ang mga festival na ipinagmamalaki ng bawat barangay sa Pasig. Ang ibaβt ibang delegasyon mula sa mga paaralan at organisasyon ay kani-kaniya ring paandar, lalo na kapag sila ay ipinapakilala sa parada, na talaga namang nagbigay sigla at kulay sa selebrasyon.
Nagtapos ang parada sa Plaza Rizal, kung saan may entablado tampok ang elected officials ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna nina Mayor Vico Sotto, Congressman Roman Romulo, Vice Mayor Dodot Jaworski, Jr., at mga miyembro ng 12th Sangguniang Panlungsod ng Pasig. Sa bahagi ring ito isa-isang ipinakilala ang mga kalahok at nagkaroon ng pagkakataon ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig na magpaabot ng taos-pusong pasasalamat sa lahat ng lumahok at nakiisa sa makabuluhang selebrasyon na ito.
Para sa mga hindi nakanood ng live o sa mga kalahok na nais balikan ang mga kaganapan sa na Civic Parade, i-click lamang ang link na ito: https://bit.ly/ArawNgPasig2025-CivicParade
β
Sa mga nais makita at makakuha ng kopya ng litrato mula sa naganap na parada, i-click lamang po ang link ito: https://bit.ly/Photos-CivicParade2025
#ArawNgPasig2025