IN PHOTOS: PASIG CITY CIVIC PARADE 2023

July 1, 2023



Isang makulay at masayang Civic Parade ang gumising sa Lungsod ng Pasig kaninang umaga bilang pagsalubong sa selebrasyon ng ika-450 Taon ng Pasig: Panahon ng Pasigueño! 

Pinangunahan ng mga kinatawan mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig kasama sina Mayor Vico Sotto, Vice Mayor Dodot Jaworski, Congressman Roman Romulo, mga miyembro ng 11th Sangguniang Panlungsod, at mga opisina at departamento ng City Hall ang nasabing parada. 

Kasama rin sa pagdiriwang na ito ang mga tanggapan ng nasyunal na pamahalaan na naka-base sa Pasig, mga barangay, mga eskwelahan, at iba't ibang organizations sa ating lungsod! 

Inabangan ng mga Pasigueño ang Civic Parade na nagsimula sa Sta. Clara de Montefalco Parish, dumaan ng Rotonda at Brgy. Kapasigan, at nagtapos sa Pasig City Hall Quadrangle kung saan isa-isang ipinakilala ang mga kalahok. 

Bukas, sama-sama nating salubungin ang ika-450 Araw ng Pasig! Pero bago ito, samahan niyo rin kami mamaya sa Gawad Parangal sa Natatanging Pasigueño!

(Para sa mga kalahok na nais makita at makakuha ng kopya ng litrato mula sa Civic Parade, i-click lamang ang link na ito: bit.ly/PasigCityCivicParade2023)