IN PHOTOS: Panunumpa ng Junior City Officials ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig x 5th Sangguniang Kabataan Awardees mula sa Lungsod ng Pasig
August 19, 2024
Opisyal nang inilunsad ang Pasig City Junior City Officials Program ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, bilang parte ng lingguhang pagtataas ng watawat ngayong araw, August 19, 2024 sa Pasig City Quadrangle.
Sa pilot implementation nito, dalawang araw na made-deploy ang Junior City Officials sa opisina ng Mayor, Vice Mayor, District Representative (Congressperson), at sa opisina ng mga konsehal simula ngayong araw, August 19, 2024 hanggang bukas August 20, 2024. Susundan ito ng post-activity evaluation sa Miyerkules, August 21, 2024, para matukoy ang rooms for improvement sa programa na magiging take off point naman para sa pagpaplano nito para sa taong 2025 at sa mga susunod pang taon.
Hudyat ng pagsisimula ng deployment ng Junior City Officials ang pagpapakilala sa mga ito kaninang umaga bilang parte ng programa para sa pagtataas ng watawat. Binati ni Mayor Vico Sotto ang mga kabataang Pasigueño na kabahagi sa Junior City Officials Program. Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Mayor Vico ang Junior City Officials na galingan sa kanilang panunungkulan at ipinaabot din ang kanyang hiling na nawa ay maging produktibo ang engagement na ito para sa mga kabataang Pasigueño. Matapos ang kanyang mensahe, pinangunahan ni Mayor Vico Sotto ang panunumpa sa katungkulan ng Junior City Officials.
Ang implementasyon ng Junior City Officials Program ay alinsunod sa Sangguniang Kabataan Reform Act. Sa ilalim ng batas na ito, bilang parte ng selebrasyon ng Linggo ng Kabataan tuwing Agosto, ay magkakaroon ng Junior Official Program kung saan mabibigyan pagkakataaon ng mga kabataan na gampanan ang tungkulin ng kanilang official/elected/appointed counterparts.
Maaaaring balikan ang mensahe ni Mayor Vico Sotto para sa Junior City Officials mula sa link na ito: https://bit.ly/PC_FlagCeremony_08192024_Highlights
Samantala, mapapanuod nang buo ang Flag Ceremony kaninang umaga, kung saan naging parte ang panunumpa ng Junior City Officials mula sa link na ito: https://bit.ly/2024_FlagCeremonyAug19
---
Bukod sa launching ng Junior City Officials, kinilala rin ang mga kabataang Pasigueño na nagbigay karangalan sa Lungsod ng Pasig sa katatapos na 5th Sangguniang Kabataan Awards na ginanap ang Awarding Ceremony noong isang linggo, August 12, 2024.
Kinilala ang:
• Pasig SK Pederasyon bilang National Outstanding SK Awardee - Federation Category
• Sangguniang Kabataan ng Pinagbuhatan bilang National Outstanding SK Awardee - Barangay Category
• PasigLaban Kabataan bilang National Outstanding Impact Awardee
Mabuhay ang mga aktibong kabataang Pasigueño!