IN PHOTOS: Pakikiisa ng Lungsod ng Pasig sa Selebrasyon ng 2025 National Innovation Day
May 3, 2025

๐๐ ๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐ค๐ข๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฅ๐๐๐ซ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ง๐ง๐จ๐ฏ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐ฒ
Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng City Transportation Development and Management Office (CTDMO), sa 3-day celebration ng 2025 National Innovation Day noong April 28 - 30, 2025, sa Novotel Manila, Araneta City, Quezon City.
Ang nasabing pagdiriwang na may temang "FLIP 2025: Forging Leaders of Innovation in the Philippines" ay pinangasiwaan ng Department of Economy, Planning, and Development (dating NEDA o National Economic and Development Authority). Nilahukan ito ng mga kinatawan mula sa academe; private sector; iba't ibang sangay ng nasyonal at lokal na pamahalaan; at maging foreign investors.
Highlight ng FLIP 2025 ang NCR Filipinnovation Awards Pitching and Judging noong 2nd day ng event, na inaward din noong 3rd day nito. Tampok sa FLIP 2025 ang iba't ibang breakout sessions na naka-angkla sa tema na HABI o Huddle, Analyze, Build, and Innovate.
Naimbitahan bilang isa sa exhibitors ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig, kung saan ibinida nito ang "Citizen-Centric Traffic and Infrastructure Monitoring System for Long-Term, Sustainable Urban Mobility and City Planning in Pasig City" na gamit ang mobile application na Mobility Vision+ (MoVi+) โ isang proyekto na benepisyaryo ng 2023 National Economic and Development Authority Innovation Grants, gamit ang teknolohiya mula sa isang Department of Science and Technology Balik Scientist Awardee. Layunin ng MoVi+ app na tulungan ang lokal na pamahalaan na makabuo ng mas episyente, inklusibo, at data-driven na mga programang may kaugnayan sa transportation system ng Lungsod ng Pasig.
Sa kasalukuyan, ang MoVi+ app ay ginagamit ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, partikular ng CTDMO at Traffic and Parking Management Office sa pagpaplano at pagsasaayos ng transportation system lungsod gamit ang Artificial Intelligence at data analytics.
Nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na bisitahin ang booth ng Lungsod ng Pasig at alamin kung paano ginagamit ang MoVi+ sa real-time traffic data gathering at pagtanggap ng feedback mula sa mga mamamayan.