IN PHOTOS: PAGLAGDA NG MEMORANDUM OF UNDERSTANDING SA PAGITAN NG PAMAHALAANG LUNGSOD NG PASIG AT NINJA VAN PHILIPPINES
January 11, 2024
Pumasok sa isang kasunduan ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig at Ninja van Philippines sa pamamagitan ng paglagda ng isang Memorandum of Understanding (MOU) kahapon, January 11, 2024.
Sa ilalim ng MOU na ito ay magpaplano at magkakaroon ng mga programa/proyekto tungo sa patuloy na paglinang at pagpapabuti ng lagay ng industriya ng e-commerce sa Lungsod ng Pasig. Ang Ninja Van ay isa sa kilalang courier services na katuwang ng online stores na siya namang naging patok noong kasagsagan ng pandemya.
Parte ng ibinibigay na technical assistance para sa local start-ups at micro, small, at medium enterprises sa Lungsod ng Pasig, na pinangungunahan ng Local Economic Development and Investment Office (LEDIO), ang pag-introduce sa mga ito sa digital tools na makakatulong para makasabay ang mga ito sa market trends (maging mas competitive) at mapalago pa ang negosyo.
Isa sa magiging assistance mula sa Ninja Van ay nakatutok sa information management -- kung saan magkakaroon ng access sa consumer trends ang local start-ups at MSMEs, lalo na sa e-commerce platform na makakatulong sa pagpapatupad ng Enterprise Digitization Programs sa Lungsod ng Pasig.
Lumagda sa nasabing MOU sina (ayon sa pagkakasunud-sunod sa photo) mula sa Ninja Van: Legal Department Head Atty. Claro Paolo Ortiz, Chief Commercial Officer Sabina Lopez-Vergara, at Country Head Alvin Jose Perez; mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, Mayor Vico Sotto, 11th Sangguniang Panlungsod Committee on Trade, Commerce, and Industry Chairperson Simon Tantoco; at LEDIO Head Atty. Diego Santiago.