IN PHOTOS: Paggawad ng Pasig City Government Employees Service Award para sa Retirees
December 9, 2024
IN PHOTOS: Paggawad ng Pasig City Government Employees Service Award para sa Retirees
Nasa 55 kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na nagretiro at nakatakdang magretiro ngayong 2024 ang binigyan ng parangal at insentibo sa isang maikling programa kasabay ng lingguhang Pagtataas ng Watawat kaninang umaga, December 9, 2024.
Sa pangunguna ng Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) Committee, pinarangalan ang mga nasabing kawani bilang pagkilala at pasasalamat sa kanilang dedikasyon at mahabang taon ng paglilingkod sa Lungsod ng Pasig. Kinilala ang mga kawani na naglingkod ng labinlimang taon o higit pa nang tuloy-tuloy at naabot ang mandatory retirement age na 65 years old.
Ang mga pinarangalan ay tumanggap ng plaque of recognition, personalized na Fossil wristwatch, at gift certificate na nagkakahalaga ng PHP 2,000.00 hanggang PHP 7,000.00, depende sa bilang ng taon nila sa serbisyo.
Para sa mga kawani na nakatanggap ng parangal, lubos na nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa inyong tapat at taos-pusong paglilingkod para sa mga PasigueƱo!
Mabuhay po kayo!