IN PHOTOS: PAGGAWAD NG CHAMPIONSHIP TROPHY SA PASIG CITY KING PIRATES

April 1, 2023



Personal na iginawad ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) noong Huwebes, March 30, 2023 ang tropeyo na nakamit ng PASIG City KING Pirates na itinanghal na Champion ng PCAP 2nd Season 3rd Open Conference (2022 season). 


Pinangunahan ni PCAP Chair Mike Chua ang paggawad ng tropeyo na ito na malugod namang tinanggap ng ilang kinatawan ng Pasig City King Pirates, kasama sina Mayor Vico Sotto at Vice Mayor Dodot Jaworski. 


Matatandaang opisyal na iginawad ang parangal na ito sa Pasig City King Pirates noong ginanap na PCAP 3rd Season Opening and Awarding Programme noong February 18, 2023.


Ito ang ikalawang championship trophy na nakamit ng Pasig City King Pirates mula sa PCAP.

---

Ongoing pa rin ang 3rd Conference ng PCAP at may dalawang games ang Pasig City King Pirates ngayong araw (07:00PM at 08:20PM)! Suportahan ang Pasig City King Pirates sa kanilang laro na  mapapanuod sa Facebook Page ng PCAP: https://www.facebook.com/pcapchess