IN PHOTOS: PAGDIRIWANG NG NAGSABADO SA PASIG

August 29, 2024

Tuwing Agosto 29 ay ginugunita ang Nagsabado sa Pasig sa ating lungsod. Ngayong 2024, ipinagdiriwang natin ang ika-128 anibersaryo nito. 

Noong Agosto 29, 1896, halos 2,000 Pasigueño ang nagmartsa papunta sa Plaza de Paz (Plaza Rizal ngayon) at napagtagumpayang makuha ang kuta ng mga guardiya sibil. 

Ang Nagsabado sa Pasig ang itinuturing na isa sa pinakamatagumpay na pag-aaklas na pinangunahan ng mga Katipunerong Pasigueño sa pamumuno ni Heneral Valentin Cruz. Ito ang unang panalo na naitala sa tanan ng rebolusyon laban sa mga Kastila — kaya naman nasambit ni Gat Andres Bonifacio ang mga katagang: “Tunay na magigiting ang batampasig.” 

Naganap ang makasaysayang pangyayari na ito, araw ng Sabado — kaya tinawag itong Nagsabado sa Pasig. 

Bukod sa pag-aalay ng mga bulaklak sa busto ni Heneral Valentin Cruz sa Brgy. San Nicolas, nagkaroon din ng "mini heritage tour" kung saan dinaanan ang ilang lugar sa Poblacion area na may kinalaman sa Nagsabado sa Pasig. Naging posible ang paggunita sa Nagsabado sa Pasig ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pangunguna ng Pasig City Cultural Affairs and Tourism Office at pakikipagtulungan nito sa Samahang Pangkasaysayan ng Pasig (SPP).

———

Cover photo ng Nagsabado sa Pasig: Likha ni G. Derrick C. Macutay, Outstanding Pasigueño sa larangan ng Sining at kasapi rin ng SPP

———

Curious pa rin kung ano ang Nagsabado sa Pasig? I-check ang akda ni Dean Carlos Tech, Outstanding Pasigueño sa larangan ng Kasaysayan (Arts and Humanities - History) tungkol dito: https://bit.ly/NagsabadoSaPasig_Tech