IN PHOTOS: PAGBISITA NG ANTI-RED TAPE AUTHORITY SA PAMAHALAANG LUNGSOD NG PASIG
January 9, 2024
Binisita ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang Business One Stop Shop (BOSS) ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa Tanghalang PasigueƱo kahapon, January 8, 2024.
Pinangunahan ni Deputy Director General for Operations Undersecretary Gerald Divinagracia, MBPM ang delegasyon mula sa ARTA para sa regular na inspeksyon na ginagawa ng nasabing ahensya sa kasagsagan ng Business Renewal period sa mga lokal na pamahalaan tuwing buwan ng Enero. Ang Lungsod ng Pasig, partikular ang BOSS na i-sinet up para sa business renewal period ngayong 2024 na nakapwesto sa Tanghalang PasigueƱo ang kauna-unahang binisita ng ARTA ngayong taon.
Pagkatapos ng nasabing inspeksyon ay nagkaroon ng exit conference kung saan tinalakay ng delegasyon ng ARTA ang naging observations nito sa BOSS sa Lungsod ng Pasig. Naging makabuluhan ang diskusyon sa pagitan ng ARTA team at mga representante mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig na pinangunahan ni Atty Diego Santiago na nagsisilbing focal ng Pasig City Committee on Anti-Red Tape. Sa exit conference na ito napag-usapan kung paano pa mas mapapabuti ang operasyon ng BOSS sa Pasig, lalo ngayong peak season dala ng business renewal.
Para sa mga detalye kaugnay ng business renewal ngayong 2024, i-check ang post na ito: https://bit.ly/2024BusinessRenewal_Pasig