IN PHOTOS | Overseas Job Fair Caravan sa Donฬƒa Juana Covered Court

July 1, 2025



๐ˆ๐ ๐๐‡๐Ž๐“๐Ž๐’ | ๐Ž๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ๐ž๐š๐ฌ ๐‰๐จ๐› ๐…๐š๐ข๐ซ ๐‚๐š๐ซ๐š๐ฏ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐ƒ๐จ๐งฬƒ๐š ๐‰๐ฎ๐š๐ง๐š ๐‚๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ž๐ ๐‚๐จ๐ฎ๐ซ๐ญ

Salamat sa lahat ng dumalo sa Overseas Job Fair Caravan ngayong araw, July 1, 2025! Umabot sa 102 ang applicants na lumahok sa pa-Araw ng Pasig Overseas Job Fair ng Public Employement Service Office!

Sa 102 na ito, nasa 90 ang kwalipikado para sa posisyon na kanilang inapplyan (maaaring maging kwalipikado sa higit sa isang posisyon ang isang aplikante)! 

Lubos din na nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa Overseas Manpower Agencies at maging sa mga sangay ng nasyonal at lokal na pamahalaan para sa pakikiisa ng mga ito sa Overseas Job Fair Caravan, One-Stop Shop para sa First Time Jobseekers, at Help Desks para magbigay ng impormasyon para sa mga serbisyo na ipinagkakaloob ng kanilang mga ahensya. 

Naging posible ang Overseas Job Fair Caravan sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod sa Department of Migrent Workers - National Capital Region, sa pangunguna ni Regional Director Atty. Falconi Millar, sa pamamagitan ng Pre-Employment and Government Placement Bureau at ng Migrant Workers Protection Bureau. Ang mga nasabing Bureau ng DMW-NCR ang siyang nag-facilitate ng Pre-Employment Orientation Seminar at Anti-Illegal Recruitment and Trafficking in Person (AIRTIP) Help Desk.

Magkakaroon pang muli ng Job Fair sa Lungsod ng Pasig, kaya naman para sa mga hindi na nakapunta, huwag mag-alala! I-follow ang Facebook Page na Pasig City Public Information Office at Pasig City Public Employment Service Office para sa Job Fairs at iba pang employment opportunities!

#ArawNgPasig2025