IN PHOTOS: NATIONAL CAPITAL REGION (NCR) DAGYAW 2023: OPEN GOVERNMENT AND PARTICIPATORY GOVERNANCE TOWN HALL MEETING
June 23, 2023
Naging matagumpay ang pagsasagawa ng NCR Dagyaw 2023 na may temang “Biyaheng METRO: Makabago at Epektibong Transportasyon para sa Pilipino noong Miyerkules, June 21, 2023 sa Tanghalang Pasigueño.
Napili ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig na magsilbing host ng nasabing event na dinaluhan ng halos 350 participants mula sa iba’t ibang national government agencies, local government units ng Metro Manila, at ang karamihan ay mga kinatawan mula sa civil society organizations sa kalakhang Maynila.
Naging paksa ng Dagyaw 2023 ang pagtalakay ng mga programa at proyekto ng pamahalanan na naglalayong maisulong ang mga sustainable na alternatibong paraan ng pampublikong transportasyon sa Metro Manila. Pinangunahan ni Atty Romando Artes, Acting Chief ng Metro Manila Development Authority ang paksang ito.
Naging hitik naman ang diskusyon sa tulong ng panel of reactors na sina: Department of Transportation Assistant Secretary for Planning and Project Development Leonel Cray P. De Velez; University of the Philippines - National Center for Transportation Studies Chairperson Dr. Jun T. Castro; at SafeTravelPH Executive Director Anne Clarice Ng.
Layunin ng NCR DAGYAW 2023 na:
-para sa pamahalaan: maipabatid sa publiko ang mga kasalukuyang programa na may layong tugunan ang mga kinakaharap na suliranin ng commuters;
-para sa mga mamamayan: maibahagi ang kanilang pananaw, karanasan, at suhestiyon upang matugunan ang mga suliranin sa transportasyon;
-at mula sa mga ito ay makapag-ambag para sa pagpapabuti ng mga polisiya ng mga lokal na pamahalaan patungkol sa pampublikong transportasyon.
Naging posible ang NCR Dagyaw 2023 sa pangunguna ng Department of the Interior and Local Government - NCR, Department of Budget and Management - NCR; Philippine Information Agency - NCR, at sa pakikipagtulungan ng mga ito sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig at DILG - Pasig Field Office. Full force ang mga puno ng nasabing tanggapan sa NCR 2023 Dagyaw, katuwang ang kanilang counterparts mula sa nasyunal na pamahalaan na nagbigay ng mga mensahe sa iba’t ibang parte ng programa.
Gustong mapanuod ang NCR Dagyaw 2023? I-click ang link na ito: https://bit.ly/NCR_Dagyaw2023