IN PHOTOS: Lungsod ng Pasig, umani ng pagkilala mula sa Bureau of Local Government Finance
October 10, 2024
Humakot ng pagkilala ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa ginanap na Stakeholders' Recognition ng Department of Finance - Bureau of Local Government Finance (BLGF) kahapon, October 9, 2024.
Bilang pagdiriwang ng ika-37 anibersaryo ng BLGF, nagdaos ito ng Stakeholders' Recognition para kilalanin at parangalan ang mga lokal na pamahalaan (probinsya, siyudad, at munisipalidad) na nanguna o nagpakita ng kahusayan sa pagpapalakas ng local government finance sa bansa, batay sa apat na performance indicators areas: Local Source Revenues (LSR) in Nominal Terms; Ratio of LSR to Total Current Operating Income; Year-on-Year Growth in LSR; at Total Current Operating Expenditures per Capita para sa taong 2022 at 2023.
Sa apat na performance indicator areas na nabanggit, kabilang ang Lungsod ng Pasig sa nasa Top 10 para sa taong 2022 at 2023, sa kategorya ng Highly-Urbanized Cities, sa:
• Local Source Revenues in Nominal Terms: Top 4 para sa 2022 at 2023
• Ratio of LSR to Total Current Operating Income: Top 2 para sa 2022 at 2023
• Total Current Operating Expenditures per Capita: Top 8 para sa 2022 at Top 6 naman noong 2023.
Ang mga lokal na pamahalaan na napabilang sa Top 5 ang nabigyan ng Plaques of Recognition, kaya naman sa kabuuan ay nakakuha ng apat na plake ang Lungsod ng Pasig mula sa Central Office ng DOF-BLGF sa nasabing event, na tinanggap nina City Treasurer Marita Calaje at City Assessor Robert Mina para sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Ang parangal na ito ay pagkilala sa di matatawarang financial management, sustenableng mga inisyatiba para sa pagpapalago ng resources, at epektibo at episyenteng revenue generation at resource mobilization ng mga lokal na pamahalaan.
Naging posible ito sa Lungsod ng Pasig, di lamang sa efforts ng Pamahalaang Lungsod, ngunit maging dahil sa maagap at wastong pagbabayad ng buwis ng mga mamamayan nito. Kaya para sa mga Pasigueño — ang mga parangal na ito ay tagumpay nating lahat!
Para sa detalye tungkol sa pagkilalang ito, maaaring i-check ang link na ito: https://tinyurl.com/BLGFMC0172024