IN PHOTOS: Local Council for the Protection of Children: A Day in the Community
November 12, 2024
Kaakibat ng selebrasyon ngayong National Children’s Month, idinaos ang Local Council for the Protection of Children: A Day in the Community kahapon, November 11, 2024 sa Ilugin Elementary School sa Brgy. Pinagbuhatan.
Dinaluhan ng 144 na mga batang Pasigueño ang maikling programa, kung saan nagbigay ng mensahe si Councilor Syvel Asilo-Gupilan, Chairperson ng Committee on Children's Affairs ng 11th Sangguniang Panlungsod ng Pasig.
Naging parte ng community service program ang pagbibigay ng medical check up na pinangunahan ng City Health Department (CHD). Nagbigay-saya din sa pamamagitan ng mga palarong pambata ang CHD-Nutrition Office at mga kooperatiba sa tulong ng koordinasyon ng Cooperative Development Office (CDO).
Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga kooperatiba sa lungsod, nagpamahagi rin ng mga pagkain, gamot, at mga grocery pack para sa mga nagsipagdalong kabataan. Nag-abot din ng hygiene kits ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pamamagitan ng Disaster Risk Reduction and Management Office.
Naging posible ang aktibidad na ito sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office, katuwang ang Pasig City Council for the Protection of Children, CHD, at CDO.
Lubos na nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod sa mga kooperatiba na nakiisa sa naging selebrasyon: ASA Philippines Credit Cooperative; Asiapro Multipurpose Cooperative; Bethel Multi-Purpose Cooperative; Central Labor Service Cooperative; Cubao-Rosario Sta.Lucia Transport Service Cooperative; Jollibee Foods Corporation Employees Multipurpose Cooperative; Rizal High School Multi-Purpose Cooperative; at The Medical City Employees Multipurpose Cooperative.