IN PHOTOS: Libreng Pustiso para sa Pasigueño Program

October 18, 2024


IN PHOTOS: Libreng Pustiso para sa Pasigueño Program

ALL SMILES ang nasa 500 benepisyaryo mula sa iba't ibang barangay ng Pasig sa ginawang pamamahagi ng pustiso sa ilalim ng Libreng Pustiso para sa Pasigueño Program noong Miyerkules, Oktubre 16, 2024, sa Rizal High School Gymnasium.

Bukod sa distribusyon ng pustiso ay nagkaroon din ng health lectures tungkol sa Hypertension and Diabetes Mellitus at

Wastong Pangangalaga sa mga pustiso. Tampok din sa half day event ang pagbabakuna ng flu vaccines at bone scanning.

Matatandaang nagkaroon ng registration at assessment sa mga Barangay Health Center ng Pasig noong June 2024 at nagkaroon naman ng pagsusukat para magawa ang mga pustiso noong July 4, 2024, isa sa mga aktibidad na bahagi ng selebrasyon ng Araw ng Pasig ngayong taon.