IN PHOTOS: Libreng Kapon para sa Pasigueñong Aw at Meow

March 8, 2025



IN PHOTOS: Libreng Kapon para sa Pasigueñong Aw at Meow

Isang matagumpay na araw para sa kalusugan at kapakanan ng ating mga alaga at komunidad ang nasaksihan kahapon, March 7, 2025, sa pagdaraos ng programang Libreng Kapon para sa Pasigueñong Aw at Meow, bilang parte ng selebrasyon ng 2025 Rabies Awareness Month sa Lungsod ng Pasig. 

Sa sama-samang pagsisikap, 257 na alagang hayop ang nabakunahan laban sa rabies, 104 ang na-microchip, at 119 ang sumailalim sa libreng kapon! 

Maraming salamat sa lahat ng pet owners, sponsors, mga kinatawan ng pambansa at lokal na pamahalaan, volunteer veterinarians, at veterinary students na nakiisa at sumuporta sa Libreng Kapon para sa mga Pasigueñong Aw at Meow! 

Atin pong tandaan: Ang pugsugpo sa rabies ay sama-sama, hindi kanya-kanya. 

#RabiesAwarenessMonth #LibrengKaponPasig #AlagangTapat