IN PHOTOS: LAUNCHING NG SOLAR-POWERED ELECTRIC VEHICLE CHARGING STATION SA PASIG CITY
March 7, 2024
Opisyal nang inilunsad ang Pasig City Solar-Powered Electric Vehicle Charging Station (EVCS) na matatagpuan sa Pasig Kabuhayan Center, East Bank Road, Brgy. Sta Lucia ngayong araw, March 7, 2024.
Isang programa ang idinaos kaugnay nito kung saan ay ibinahagi ni United Nations Development Programme (UNDP) Programme Analyst Ms. Gwyneth Palmos ang background ng EVCS na parte ng mas malaking proyekto: ang Promotion of Low Carbon Urban Transport Systems in the Philippines (LCT) na nabuo sa pagtutulungan ng Department of Transportation (DOTr) at UNDP, na pinondohan naman ng Global Environment Facility. Isa ang Lungsod ng Pasig sa apat na pilot sites para sa LCT Project.
Bilang parte ng programa, nagbigay ng mensahe sina Congressman Roman Romulo, Mayor Vico Sotto, UNDP Philippines Resident Representative Mr. Selva Ramachandran, Vice Mayor Dodot Jaworski, Jr. Samantala, nagmula ang nagsilbing Keynote Message ng programa kay DOTr Usec for Road Transport and Infrastructure Aleli Lontoc, CESO I.
Pagkatapos ng naging inagurasyon/ribbon-cutting ay nagkaroon ng aktwal na demonstrasyon ng paggamit ng EVCS. Naging highlight din ng programa ang paglagda sa Asset Transfer Certificate sa pagitan ng UNDP at Pamahalaang Lungsod ng Pasig na sumisimbolo sa opisyal na paglipat sa pagmamayari ng lokal na pamahalaan ng Pasig ng mga pasilidad na nasa EVCS.
Ang EVCS ay may tatlong (3) charging terminals na maaaring gamitin ng anim (6) na EVs nang sabay sabay (dalawang EVs kada charging terminal). Dahil solar-powered ang EVCS na ito, bukod sa makakatipid ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig dito, makakatulong din ito para makabawas sa polusyon dahil sa paggamit nito ng renewalable energey source.
Ang proyekto na ito ay kaugnay ng pagtataguyod ng pagkakaroon ng sustainable transportation infrastructure sa Lungsod Pasig. Matatandaan na noong 2023 ay nagkarooon na ng EVCS sa Pasig City Mega Parking II na nasa District I ng Pasig, at ang pagkakaroon nito sa Sta. Lucia na nasa District II naman ay para gawing mas accessible pa ang mga imprastraktura na ito sa mas maraming Pasigueño.
Bukod sa pag-charge ng electric vehicles na pagmamay-ari ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig (hal., e-trikes, e-quads, e-bikes) ay maaari ring gamitin ng mga Pasigueño ito nang LIBRE sa oras na maging fully operational na ang EVCS na ito. Bago ang pagbubukas nito para sa publiko ay magkakaroon muna ng karampatang training para sa personnel ng City Transportation Development and Management Office at City Engineering Department tungkol sa wastong pag-operate at pag-maintain ng pasilidad ng EVCS.
Ang inagurasyon ng solar-powered EVCS ay dinaluhan din ng mga miyembro ng 11th Sangguniang Panlungsod ng Pasig at iba't-ibang tanggapan mula sa nasyunal na pamahalaan tulad ng Department of Public Works and Highways, Climate Change Commission, National Economic and Development Authority, Land Bank of the Philippines, at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.