IN PHOTOS: LAUNCHING NG GOVERNMENT INTERNSHIP PROGRAM NGAYONG 2024

February 5, 2024



Nasa 200 na interns ang opisyal na nagsimula sa ilalim ng Government Internship Program (GIP) ngayong araw, February 5, 2024. Pagkatapos ng lingguhang flag raising ceremony kaninang umaga, nagkaroon ng orientation ang mga ito na pinangasiwaan ng Pasig City Public Employment Service Office.
Sa ilalim ng batch ng GIP na ito, ang 200 interns ay made-deploy sa iba't ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig simula February 5, 2024 hanggang sa May 13, 2024.
Layon ng GIP na mabigyang pagkakataon ang mga out-of-school youth na may edad 18-30 na maranasan ang pagbibigay serbisyo publiko at sa pamamagitan nito ay makatulong din sa mga benepisyaryo ng programa (may allowance ang mga benepisyaryo sa tatlong buwang deployment nila sa lokal na pamahalaan).
Bukod pa sa mga ito, nagbubukas din ng oportunidad ang programa para matutunan ang mga proseso at programa sa Lungsod ng Pasig at may posibilidad na ma-absorb o makapag-apply sa job opportunities (kung may bukas na posisyon) sa mga tanggapan sa City Hall kung qualified at nagpakita ng magandang performance sa durasyon ng kanilang deployment sa mga opisina.