IN PHOTOS: Kick-Off Ceremony ng National Children's Month Celebration sa Lungsod ng Pasig

November 4, 2024

Opisyal nang sinimulan ang selebrasyon ng National Children's Month sa Lungsod ng Pasig bilang parte ng lingguhang Flag-Raising Ceremony ngayong araw, November 4, 2024.
Tampok sa Kick-Off Ceremony ang naging pagtatanghal ng mga piling mag-aaral mula sa Special Children Education Institute at Early Childhood Care and Development Centers para sa pag-aalay ng panimulang dasal at maging pag-awit sa Lupang Hinirang at Martsa ng Pasig.
Sa pangunguna ni Councilor Syvel Asilo-Gupilan, Chairperson ng Committee on Children's Affairs ng 11th Sangguniang Panlungsod ng Pasig, ay binigkas ang Panatang Makabata.
Bahagi rin ng selebrasyon ang naging paggawad ng pagkilala mula sa Early Childhood Care and Development Council sa 25 child development centers (CDCs) sa Lungsod ng Pasig, kung saan 23 CDCs ang nabigyan ng Level 3 o ang pinakamataas na lebel ng accreditation bilang Center of Excellence, samantalang 2 CDCs naman ang nabigyan ng Level 2 o Very Satisfactory ang naging assessment.
Balikan ang mga naging kaganapan sa Kick-Off Ceremony ng 32nd National Children's Month mula sa link na ito: https://bit.ly/2024_FlagCeremonyNov4
Samantala, makikita ang Calendar of Activities ng 2024 National Children's Month sa post na ito: https://bit.ly/2024NCM_PasigCity
Ang pagdiriwang ng Buwan ng mga Bata sa Lungsod ng Pasig ay pangungunahan ng City Social Welfare and Development Office, sa pakikipagtulungan nito sa iba't ibang tanggapan sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig.